Post Info TOPIC: PANAWAGAN Sa lahat na mga Pilipino
KIBAKA Organization

Date:
PANAWAGAN Sa lahat na mga Pilipino
Permalink   


PANAWAGAN 


Sa lahat na mga Pilipino, na may malasakit pa sa ating bansa.


Inaanyayahan namin kayong lahat na makilahok sa pamamagitan


ng pagpa-palista ng ating mga pangalan bilang mga kasapi sa 


KILUSANG BALIK-KAAYUSAN


(Sa Kinabukasan ng Ating Mga Anak at Kabataan)


ANG SUSUNOD NA HENERASYON NG MGA BAGONG PILIPINO 


ANG ATING MGA PANGALAN AY ATING GAGAMITIN UPANG


magsama-sama bilang mga “PILIPINO” sa isang layunin upang ating


tawagan ng pansin ang mga nanunungkulan sa pamahalaan na ibalik ang


“KAAYUSAN-KARANGALAN AT KABUHAYAN”


sa ating Pamahalaan, sa Bansa at sa mga Mamamayan. 


Unang layunin natin, ibalik natin ang KAAYUSAN sa ating Pamahalaan, linisin, labanan


at alisin lahat ng mga “Magnanakaw sa Ating Pamahalaan”alang-alang sa kinabukasan


ng ating mga anak at kabataan, ng mga mamamayan at ng ating bansa. 


Pangalawang layunin, ibalik ating “KARANGALAN” sa Pamahalaan at sa lahing Pilipino.


Sa pamamagitan ng katapatan sa tungkulin, sipag at tiyaga, ng igalang ang ating lahi.


Magka-isa bilang “Isang Pilipino, Sa Isip, Sa Salita, sa Gawa”. Magsama-sama tayo.  


Pangatlong layunin, isa-ayos ang “KABUHAYAN” ng bawa’t pamilya sa ating mga baryo.


Turuan at bigyan ng “HANAP-BUHAY AT MAKAKAIN” ang lahat ng mahihirap.


Magtayo sa mga baryo ng Samahang Pang-Kabuhayan ng magkaroon ng hanap-buhay.


“GULAYAN SA MGA BAKURAN AT HAYUPAN SA MGA BARYO”


Maibalik ang dating kasaganaan sa lahat ng sulok at lugar sa ating bansa, ng walang


Pilipinong magugutom at maghihirap sa kanyang sariling bayan. 


Sa mga bayan at siyudad sa bansa, kailangang ipaliwanag sa mga kamag-anak, kaibigan at mga kapit-bahay na dapat sumapi sa Kilusang Kibaka. Gisingin ang isipan ng mamamayan Kailangang magkaroon ng mga “PAGBABAGO” sa buong bansa. Labanan ang dahilan kung bakit tayo ay naghihirap. “SAKIT NA LAGAY”, ang pumapatay sa ating bansa at sa


mamamayan. Winawasak at Sinisira ang Pag-Asa at ang Kinabukasan ng ating mga anak.


Isabit sa bahay at tanggapan “ANG HULING PANAWAGAN” ng malaman ng lahat ng tao ang tunay na dahilan kung bakit tayo at ang ating bansa ay umabot sa ganitong kalagayan.



Sa lahat ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng daigdig,


Dalawin ang website: www.kibaka.org at kayo ay magpatala.


Ang inyong mga pangalan ay malaki ang magagawang tulong sa ating


mga kabataan, mga mamamayan at sa ating bansang Pilipinas.


Tutulong ba kayo sa pagdadala ng pagbabago sa ating bansa?


MAGKA-ISA TAYO, MAG-TULUNGAN AT MAGSAMA-SAMA PARA


SA KINABUKASAN NG ATING MGA KABATAANG PILIPINO!


Sa ngalan ng mga Member-Coordinator-Sponsor ng Kibaka sa buong daigdig.


SUMAPI SA KIBAKA-BAGUHIN ANG BANSA


LET US JOIN KIBAKA and CHANGE OUR COUNTRY 


Email address: kibaka.canada@sympatico.ca – Our website: www.kibaka.org 



__________________
ordinary pinoy

Date:
Permalink   

Pwede bang baguhin ang batayan sa pag-pili ng kakandidato bilang pangulo sa ating bansa? kasi sa ngayon, mababa ang criteria na hinahanap sa isang kandidato kaya may mga walang alam at hindi karapat-dapat na tao ang kakandidato na iboboto naman ng mga taong hindi marunong pumili sa halalan...

__________________
Page 1 of 1  sorted by
 
Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard